Pinaghalong Pasig Mayor Vico Sotto at Oyo Sotto ang naging itsura ni Ice Seguerra sa ipinoste niyang photo sa Instagram dahil sa isang look application na nagpapabata ng itsura.

Nagwapuhan ang mga follower ni Ice sa itsura niya lalo at bumagay sa kanya ang skinhead hairstyle na ginawa ng asawa niyang si FDCP Chair Liza Diño.
Sabi nga ng mga follower ni Ice, sa unang tingin ay akala nila si Mayor Vico. Ang iba naman ay si Oyo ang tingin.

Sa comment ay umayon naman si Oyo na magkamukha sila ni Ice sa larawan nito. Hindi naman nagtaka ang iba sa lumabas na itsura ni Ice sa “Face App” dahil naging malapit kay Vic Sotto ang singer noong child star pa ito at marami silang pinagsamahang pelikula.

At itinuring na “adopted” si Aiza ni Vic noon pa man. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

seven + five =