Hindi man nakayang punan ng puso ang malaking kakulangan sa piyesa at hindi sila nakalampas sa PBA Governors’ Cup semifinals, ipinagmamalaki pa rin ni coach Chito Victolero­ ang kanyang Star team.

“I’m very proud of my players,” sabi ni Victolero pagkatapos gapiin ng Meralco ang Hotshots 91-88 sa overtime nitong Huwebes para kumpletuhin ang three-game sweep ng kanilang semifinals series.

“They fought hard, even without Paul (Lee),” dagdag ni Victolero. “We know na we’re underdogs but ‘yung game namin, talagang binigay na nila lahat. I’m very happy, I’m very proud.”

Kung tutuusin, hindi na masama ang pla­cing ng Hotshots na nakapasok sa lahat ng tatlong semis sa buong season. 

“Sabi nga nila, Grand Slam kami sa semis, eh,” sabi ni Victolero, umupo bilang head coach bago ang Philippine Cup. 

“No excuses, but considering na it’s a new system, madaming new players, new coach, we achieved something this year. I’m very happy although ‘yun nga, hindi kami naka-over the hump du’n sa semis. Everything na na-gain namin, dadalhin namin iyan next season.”

Na-reinjure ni Lee kanyang kaliwang tuhod noong Game 2, sinikap nila Mark Barroca, Marc Pingris at Jio Jalalon na buhayin ang Star pero kinapos pa rin.

Malaking tulong sana si Kris Acox, pero gumawa lang siya ng four points at nine rebounds – maputla hambing sa 24 points at 19 rebounds ni Allen Durham ng Meralco.

Ang mga numerong iyon ang kumumpleto­ sa malamyang pakita sa huli ng taga-Iceland na hindi man lang umiskor sa double digits sa semis.

“I think hindi lang siya naka-adjust dito sa semis,” paliwanag ni Victolero. “Iyung pagka-agresibo niya sa quarters, ‘yun ‘yung hinahanap­ ko sa kanya na nawala, eh. Because during the quarterfinals and pagdating niya dito, he’s so aggressive. 

“But sa semis, after ng Game One, parang nawala, eh. I don’t know what happened.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 × 2 =