MATAPOS ikasal at mabuntis, pinlano na ni Pinay Mixed Martial Arts (MMA) fighter Gina Iniong ang pagreretiro.

Pero sa ngayon ay hindi pa opisyal ito nang payuhan siya ng kanyang Team Lakay head coach na tama lang na unahin muna ang kanyang kalusugan at pamilya pero huwag munang basta-basta isuko ang kanyang karera.

Sa ngayon kasi ay malapit nang ipanganak ng Pinay fighter ang panganay nila ng hubby niyang si Richard Araos.

Si Gina at Richard ay ikinasal noong nakaraang taon at ngayong magiging mom na ito’y gusto niyang gampanan ang pagiging asawa at ina.

Nang sumagi sa isipan niya ang retirement, payo sa kanya’y pag-isipan munang mabuti ang `life-changing’ na pagpapasya.

Sa kanyang record, kumamada si Gina ng siyam na panalo at apat na pagkatalo. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five × five =