BAGO ang lahat, isa munang masigabong pa­lakpakan para sa ating mga basketbolita na naglalaro ngayon sa Asian Games sa Indonesia. Ginulat n’yo kami dahil pinaliguan n’yo ang mga manlalaro ng Kazakhstan maski na nanood lang sa ringside si Jordan Clarkson.

Napag-uusapan na rin lang si Clarkson, ituloy-tuloy na natin ang usapan tungkol sa kanya.

Sabi nga ng isang katoto sa Ingles, Jordan Clarkson doesn’t make the Philippines automatic gold meda­list in the Asian Games. Tama! Maski na nandyan si Clarkson, hindi nakasisigurong panalo na tayo. Malamang na maski pa si Lebron James ang maglaro para sa atin, hindi pa rin tayo nakasisiguro sa gold medal.

Heto pa ang sinabi ng isang katoto. But his desire to play for the country when others are reluctant to even release their players for the team is already worth more than than golden hardware. Tama!

Masakit ba ang patamang ito? Nabasa kaya ito ng mga opisyal ng mga koponan sa PBA? Saang parte ng mukha tumama ang sampal? Sa magkabilang pisngi ba? O para kayong sinuntok ng kaliwa ni Manny Pacquiao, ‘yung suntok na nagpabagsak kay Ricky Hatton? O dedma lang?

Hindi na natin babanggitin kung sino-sino at alin ang mga koponang ito. Sabihin na lang natin na maski na nabigyan sila ng pagkakaton na mag-contribute para sa bansa ay mas inuuna pa rin nila ang kapakanan ng kanilang mga koponan.
Pero ano ba ang kailangan ng national team na naglalaro ngayon sa Indonesia?

Unang-una, height! Alam naman nating lahat na height is might sa basketbol. Sino at saang koponan naglalaro ang manlalarong kilala na­ting lahat na kailangan para sa Indonesia?

Sana ay may pambara man lang tayo sa tatlong higante ng Tsina na makakalaban natin sa Agosto 21.
Pangalawa, expe­rience. Ganun din ang tanong. Sino at saan?

Huwag na nating pag-usapan ang coaching dahil baka mabalik tayo sa kahihiyang nangyari sa atin nuong 2014 Asian Games sa Incheon kung tumapos tayo sa pang-pitong puwesto dahil sa kagagawan ng isang tao. Ha­yaan na nating si coach Yeng Guiao ang maging national coach.

Kung ako nga ang tatanungin, maski sinong coach huwag lang si…

Muli, isang masigabong palakpakan para sa ating mga basketbolista na naglalaro ngayon sa Indonesia. Isa ring masigabong pa­lakpakan para sa Rain or Shine at sa mga opis­yal nito na talagang mahal ang ating bansa. At maging sa mga opisyal ng PBA.

At boo… para sa… alam n’yo na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

fourteen + 13 =