Ngayong online na ang coin banks ng Jollibee Group Foundation, mas madali nang makakapag-donate dito ang publiko upang makatulong din sa pagpapakain sa mga pamilyang nangangailangan ngayong panahon ng COVID-19.

Dahil maraming pamilya ang nagugutom ngayong panahon ng pandemyang COVID-19, nagbibigay ang Jollibee Group ng pagkain sa mga frontliner at apektadong pamilya sa pamamagitan ng FoodAID Program nito.

Upang magkaroon ang publiko ng madaling paraan upang makatulong din sa pagpapakain ng mas marami pang nangangailangang pamilya, sa kauna-unahang pagkakataon ay dadalhin na online ng Jollibee Group Foundation (JGF) ang mga coin bank nito na datirati ay matatagpuan lamang sa mga counter ng mga tindahan ng Jollibee Group.

We remain committed to continue extending a helping hand, and this time, the public can actively take part in this initiative (Nananatili kaming committed sa pag-aabot ng tulong, at ngayon, maaari nang aktibong makilahok ang publiko sa inisyatibong ito),” ayon kay JGF Executive Director Gisela Tiongson. 

Noon ay makikita lang ang mga coin bank sa loob ng mga branch ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal, Greenwich, Burger King, Red Ribbon, Pho24, at Highlands Coffee. Ngayon, ang mga coin bank na ito ay maaari na ring ma-access online sa www.jollibeefoundation.org website upang makapag-donate ang mga customer gamit ang PayMaya at mag-bank account transfer nasaan man sila sa bansa at sa mundo. 

Ang mga makakalap na donasyon ay gagamitin sa pagdadala ng mga food pack mismo sa pintuan ng mga nangangailangang pamilya, katuwang ang mga partner na non-governmental organization (NGO) ng JGF. Ang programang online coin bank ay bukod pa sa P220-milyong halaga ng donasyong pagkain ng Jollibee Group, na nakapag-abot ng 3.8 milyong meals sa mga frontliner at apektadong pamilya mula nitong Marso hanggang Mayo.

Upang mas marami pa ang makaalam tungkol sa digital coin bank at sa libo-libong pamilya na maaari nitong matulungan, ibabahagi ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang talento sa isang libreng online concert na pinamagatang “Regine: Joy from Home.” Maaaring pamanood ang concert na ito sa Jollibee Facebook Page at sa Jollibee Studios YouTube Channel sa Linggo, Hunyo 7, alas-8 ng gabi.

Ang “Regine: Joy from Home” concert ay magbabahagi sa mga manonood at kanilang mga pamilya ng magagandang musika at mga kwento ng pag-asa, katapangan, at bayanihan.  Magbibigay ang musical event na ito ng oportunidad para sama-samang makapakinig ang mga pamilyang Pilipino ng mga awitin at kwentong maaaring makatulong sa kanila upang malampasan ang krisis na ito, at para na rin magkaroon sila ng ligtas at madaling paraan upang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangang pamilya sa pamamagitan ng pagdo-donate sa coin bank ng Jollibee Group.

Para sa mga interesadong donor, maaaring mag-donate sa pamamagitan ng online bank transfer sa JGF account sa Metrobank (Acct. No: 473-7-473-01406-4; Swift Code: MBTCPHMM) at RCBC (Acct. No. 1253-10519-0), o sa pamamagitan ng PayMaya (http://pymy.co/Jollibee).

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

14 − three =