Humingi ng paumanhin si Jona sa mga follower niya sa Twitter at maging sa kanyang malalapit na kaibigan, kasamahan sa trabaho, dahil sa pagdistansya niya sa social media sa panahon ng enhanced community quarantine.

Hindi rin nirereplayan ni Jona ang mga kaibigang nangangamusta o nagnanais na makatsikahan siya.

Inamin ni Jona na inatake siya ng anxiety at naapektuhan ang kanyang buong sistema dahil sa pandemic. Nahirapan si Jona na mag-adjust sa pagkakalayo niya sa kanyang pamilya at pagkakakulong sa bahay.

Pero hindi nagpahinga si Jona dahil ayon sa kanya ginugol niya ang panahon sa mga gawaing bahay, pagbi-video recording at editing na inaabot hanggang umaga. Tumutulong din sya sa pagliligtas ng mga hayop kaya sa mga naunang post ng singer ay makikita ang napakaraming aso sa kanyang tirahan.

At ang isang kahanga-hanga ay ang paghahatid niya sa kapitbahay na may sakit. Ayon kay Jona, tatlong beses sa isang linggo niyang ipinagmamaneho ang kanilang kapitbahay papuntang dialysis center mula nang magsimula ang lockdown.

Dahil dito naintindihan ng kanyang mga follower si Jona. At pinuri rin ito sa pagkakawanggawa nito sa ibang tao. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five × four =