Umabot hanggang China ang bagong single ni KZ Tandingan na “My Hair, My Say”, na patunay lang na hanggang ngayon ay sikat pa rin ang Pinay singer na sumali sa Singer sa naturang bansanoong 2018, na kung saan ay nakalaban pa niya si Jessie J.

Ipinagmalaki ni KZ ang pamamayagpag ng song niya sa China, na may mga comment pa ng mga fan.

Mabasa sa mensahe (translated sa Chinese to English) na nasabik sila sa pagbabalik ni KZ. Inulan nga si KZ ng mga papuri mula sa kanyang mga follower.

Mariel tumutulong kahit no work, no pay

Walang patlang ang pagbibigay biyaya ni Mariel Rodriguez sa mga mahihirap. Muli nga siyang namudmod ng relief goods kaugnay sa selebrasyon ng 5th month birthday ng kanyang bunso na si Gabriela.

Sa Instagram ay makikita ang mga loot bag na may lamang bigas. Makikita rin na ipinamamahagi ni Mariel ang mga loot bag sa mga mahihirap na hindi na niya pinangalanan kung saang lugar.

Hindi nag-fundraising si Mariel at sarili niyang pera ang ginamit niya. Kaya hanga ang mga netizen sa kabutihan ni Mariel, na kahit matagal na siyang pahinga sa showbiz, nagagawa pa niyang tumulong.

Ice Seguerra nakipagkuwentuhan sa mga fan

Nag-imbita si Ice Seguerra ng mga follower niya na magkuwento sa kanya para makagawa siya ng bagong kanta, na tinwag niyang “Share Mo Kuwento Mo.”

Gusto ni Ice na hango sa mga fan ang bubuuin niyang kanta. At kahit walang premyo o hindi idinaan sa kontes, marami ang kumagat sa imbitasyon ni Ice.

Nagpadala nga agad ng kanilang kuwento ang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twelve − 2 =