Kapitan, 4 pa patay sa isinilbing warrant

Utas ang limang katao kabilang ang kapitan ng barangay kasunod ng engkuwentro sa Arayat, Pampanga kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Sr. Supt. Joel Consulta, provincial director ng Pampanga Police, pumalag sa pag-aresto at nakipagbarilan sa mga awtoridad ang mga suspek.

Tumagal ng 40 minuto ang labanan na nagsi­mula dakong alas-dos ng madaling-araw bago bumulagta ang mga suspek.

“Nasugatan nga po ‘yung isang pulis natin na member ng SWAT. Unfortunately, ito pong lumaban napatay po ng ating mga (pulis),” ani Consulta.

Tinukoy ni ­Consulta ang limang mga ­napatay na sina Barangay ­Captain Melvin ­Guevarra ng ­Barangay Cupang, ­Aldrin Luris, Fermin ­Batu, Jack Jack Pineda at isang ­hindi pa tukoy ang pagkaka­kilanlan.

Sinabi ni Consulta na may impormasyon sila na nakuha na sangkot sa ilegal na droga ang limang napatay bukod pa sa sinasabing mga miyembro rin ng private armed group.

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearms si Judge Celso Baguio ng Regional Trial Court ng Gapan, Nueva Ecija laban kay ­Guevarra.