Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang barangay chairman na pinaniniwalaang nalunod sa Cagayan River sa Villa Luna, Cauayan City, Isabela noong Lunes.
Kinilala ng Cauyan City Police Station (CCPS) ang biktima na si Angelito Managuelod, 75, ng Brgy. Rancho Bassit, Angadanan, sa nasabing lalawigan
Ayon sa kaanak ng biktima, nangisda umano ito sa ilog noong Sabado, May 16, 2020 subalit hindi na siya nakauwi. Sinubukan umanong pigilan si Managuelod ng kanyang anak dahil sa banta ng pagtaas ng lebel ng tubig kasunod ng magdamag na pag-ulan pero tumuloy pa rin ito.
Hindi na nila ipapa-awtopsiya ang katawan ng barangay chairman dahil naniniwala silang pagkalunod ang sanhi ng kanyang pagkamatay at walang nakitang foul play dito. (Allan Bergonia)