Marami ang nagtatanong kung sino ba talaga ang coach ng Talk N’ Text?

Si Bong Ravena kaya o ang New Zealander na si Mark Dickel?

Sa nakalipas na tatlong laban ng TNT (1-2) kitang-kita ng mga manonood lalo na sa venue ng laro kung sino ang talagang coach.

Lalo na kung mahigpitan ang sagupaan.

Ang nakikitang nagko-complain sa tawag ng refs, lalo na kapag timeout at nagha-huddle, kita ang taga-New Zealand na krokis nang krokis sa board samantalang si Ravena kahalubilo ng mga player at nakatayo lang.

Sabi nga ng isang veteran sportswriter sa loob ng press room, nakakaawa ang sitwasyon ni Ravena.
Bakit nasabi ito ng beteranong scribe?

Habang naglalaban, si Dickel ang nakatayo at turo nang turo, tawag nang tawag sa player at sumisigaw sa mga ref kapag medyo kabisala ang tawag.

Samantalang si Ravena, naroon sa dulo ng bench nila na nakatayo at kung minsan umuupo pa sa puwesto ng mga ball boy.

Ganyan ba ang coach?

Sa ganoong sitwasyon, marami ang naaawa pero naiinis kay Ravena kung bakit siya pumapayag sa ganoong arrangement.
Ibig sabihin, sa papel lamang coach si Ravena at si Dickel sa basketball court. Tumatayo rin si Ravena na spokesman ng team dahil kapag nanalo ang TNT, siya ang humaharap sa interview.

Si Dickel ay miyembro ng team New Zealand na nag-second place noon sa World Championship kung saan coach nila si Tab Baldwin ng Ateneo Blue Eagles.

Kung sabagay, maaaring may pre-arrangement na sina Ravena at ang TNT management kaya payag siya sa ganitong sitwasyon.

Hindi puwede si Dickel na mag-coach dahil makukuwestiyon siya ng BCAP (Basketball Coaches Association of the Philippines).

Pero kung ikaw ay isang may prinsip­yong tao, hindi ka papayag sa ganitong arrangement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five × 5 =