Kyline lumaki ang ulo

Umamin si Kyline Alcantara na lumaki ang ulo niya dahil sa tinatamasa niyang kasikatan. Hindi nag-atubili ang batang aktres na sabihing nagkaroon siya ng star complex sa panayam ng Abantelliling sa kanya nitong Martes (June 09).

Pinuri kasi namin ang kabaitan ng dalaga, hindi lang sa pagbibigay niya ng atensyon sa kanyang mga mahal sa buhay, kundi sa kanyang mga tagahanga, ang Sunflowers.

Matapos magpasalamat sa papuri namin, mapagpakumbabang sinabi niyang lumaki rin ang kanyang ulo. Mismong mga kaibigan daw niya ang nagsabi sa kanya, na ikinagulat niya.

Sey pa niya, hindi raw niya namalayan at wala siyang ideya na nagbago na pala ang kanyang mga kilos at galaw. Hindi na inisa-isa ni Kyline kung ano ang sinasabing paglaki ng kanyang ulo, pero nagpapasalamat siya sa kanyang mga kaibigan na agad siyang sinita para bumalik sa dati ang kanyang ugali, na nakatapak pa rin sa lupa.

Nagpasalamat din siya sa kanyang magulang at sa mga taong nakapaligid sa kanya, na laging nagpapaalala ng kanyang pinanggalingan.

Dahil sa pag-amin na ito ni Kyline, mas lalo siyang hinangaan at minahal ng kanyang mga fan.

Salamat nga pala sa manager ni Kyline na si Manny Vallester, pati na kay Lito MaƱago, sa handler niyang si Molly at sa GMA Artist Center, sa pagpapaunlak nilang makausap ko si Kyline.

Hiyas ni Ina muntik sumungaw

Umariba na naman ng kalandian at kawalang-takot na maghubad si Ina Raymundo. Hayun nga ang nagposte siya ng photo sa Instagram na suot ang animal print two piece bikini.

Nasa caption na gusto lang namnamin ni Ina ang mga huling season ng tag-init at ang kanyang sponsored swimwear. Pero, agaw-eksena ang itsura ni Ina, dahil halos sumungaw na ang kanyang hiyas sa kitid ng telang nakatakip sa kanyang kaselanan.

Mataas ang cut ng bikini kaya ang hiwa na lang niya ang natakpan ng tela. Well, may karapatan namang magbuyangyang si Ina ng kanyang alindog , dahil hanggang ngayon ay super seksi pa rin siya.

Billy, Will nabaliw sa facemask ni Kris Lawrence

Binaliw ni Kris Lawrence ang mga kaibigang sina Billy Crawford, Will Devaughn sa paandar niyang face mask. Tila sumira ng isang Louis Vuitton bag si Kris para gawing facemask.

Nakabalandra sa Instagram ng R&B singer ang suot na facemask, na ayon sa kanya ay LV rework facemask. Ipinangalandakan pa ni Kris na authentic at hindi fake ang LV material na ginamit sa kanyang facemask.

Nagbebenta ng facemask Kris, pero ang LV collection niya ay per-order at customized. Mababasa sa comment section ang reaction nina Billy at Will, na naaliw sa pasabog niya.

Sa mga hindi nakakaalam, kapag walang raket si Kris, ang source of income niya ay ang pagbebenta ng mga items online.