Laban ni Tyson pambayad utang

SA mga huling laban ni former heavyweight champion Mike Tyson bago tuluyang magretiro, puro pambayad na lang sa utang ang kanyang kinikita.

Inamin ni Tyson na bago pa man siya talunin ni Kevin McBride taong 2005, nawalan na siya ng gana sa boksing at lumalaban na lang para makabayad sa kanyang mga pagkakautang.

Kwento ni Freddie Roach, na trainer ni Tyson sa huling dalawang laban nito bago magretiro, nawalan ng puso sa paglaban si Tyson.

“Mike’s a great guy and I did train him for a couple of fights before the end of his career but his heart wasn’t really, wasn’t in it at that time,” sabi ni Roach sa artikulong lumabas sa boxingscene.com.

“If he didn’t knock you out in a couple of rounds he’d get a torn meniscus in his knee or an injury somewhere here or there. But the thing is Mike is a great puncher, he trains very hard.”

Ngayon edad 53-anyos, balik sa training si Tyson upang lumaban sa isang charity boxing match. (Ferdz Delos Santos)