Gaya nang iba, nakakaramdam rin po ako nang pag-aalala at takot sa pagbubukas ng GCQ ngayong June dahil sa papataas na bilang mga COVID19 positive.
Hindi natin maiwasang hindi matakot dahil ito ang sinasabi nilang kaaway na hindi natin nakikita at kung hindi mo paiiralin sa sarili mo ang ibayong pag-iingat, walang dudang matatamaan ka nito.
Wala na po tayong choice kundi ang makipagsaparalan lalo’t kailangan na nating magtrabaho, kumita at mabuhay.
Para magawa natin yun ay kinakailangang tanggalin na ang ECQ at gawin ng GCQ sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa NCR kung saan maraming business establishments at volume ng taong naghahanapbuhay.
Sana naman po doon sa ating mga kababayan na walang pakialam at nagyayabangan pa sa COVID19, na hindi sila tatablan nito.
Hindi nyo po masasabi kung kailan ka tatamaan dahil naga-abang lang ang virus ng biktima sa pagsasalin nito sa iba mula sa isang infected person.
Kailangan nating yakapin sa panahong ito ang tinatawag na “New Normal”. Huwag na po tayong mabuhay sa nakaraan dahil ngayong panahon ito na ang dapat nating harapin.
Magsuot palagi ng “Face Masks”, pairalin ang “social distancing”, maghugas ng kamay o alcohol, at iwasan ang mga matataong lugar kung saan kayo puwedeng mahawa.
Dapat ninyong isipin na kung hindi nyo paiiralin ang mga protective measures na ito, hindi lang buhay nyo ang inilalagay nyo sa peligro, kundi ang bawat isa sa miyembro ng pamilya nyo, at nang buong sambayang Pilipino.
Sa mga sandaling ito, wala pa pong “gamot” o “vaccine” na natutuklasan na pupuksa sa COVID19, kaya mag-ingat po tayo ng husto.
Sa amin namang mga nagbebenta ng pagkain on line thru delivery. Sinisigurado naming malinis ang lahat ng ginagamit namin, sa buong pantry, commissary at maging mga lalagyan.
Ang pagnenegosyo ay isang paraan naming mga artista para mabuhay at magtuluy-tuloy ang aming kinikita lalo ngayong wala kaming taping at shooting.
Wala pa pong kongkreto at malinaw na advice kung kailan kami babalik sa taping, kahit na ibinababa na sa GCQ ang lahat.
Ang ating kaligtasan ay magsisimula rin sa akin.Kaawaan at protektahan nawa tayo ng Diyos.