MADALAS daw sa inuman ang isang politiko simula nang matalo noong nakaraang halalan.

Halos umagahin daw ito sa tomahan kasama ang mga katagay este kabarkada.
Dahil sa malimit na paglalasing, hindi na tuloy niya maasikaso ang mga kapartido sa politika.

Kaya ang ginawa ng mga kapartido, tumalon sa kabilang bakod at nagpaampon sa mayabang na alkalde.

Sa kabila nito, dedma pa rin ang politiko at tinuloy ang kanyang bisyo sa pag-iinom.

Malayo pa kasi ang susunod na halalan kaya hindi muna nito iniintindi ang mga susuporta sa kanyang muling pagtakbo.

Malakas kasi ang tama este fighting spirit ng politiko na sa susunod niyang pagtakbo ay mana­nalo na siya kahit nilayasan ng mga kapartido.

Pintahan n’yo na. Ang lasenggong politiko na nilayasan ng mga kapartido ay may letrang G sa kanyang pangalan as in Gin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

fifteen − 14 =