Dahil sa COVID-19 pandemic ay kinansela muna ni Lovely Abella ang dapat na wedding nila ngayong taon ng kanyang fiance na si Benj Manalo. Si Benj ay anak ng comedian at Eat Bulaga Dabarkads na si Jose Manalo.

Bale sa January 2021 na ang bagong wedding date nila.

Ayon kay Lovely, yung dapat na budget nila para sa wedding ay nagamit dahil sa tatlong buwang lockdown. Wala raw pumapasok na pera dahil pareho raw silang napahinga sa trabaho.

Panay labas daw ng pera nila dahil sa mga essential needs nila tulad ng pagkain, gamot at ngayon pambayad ng mga utility bills na naipon.

Sa kabilang banda raw ay tama rin ang desisyon nila ni Benj na ipagpaliban muna ang wedding nila for next year para makabawi muna sila.

Habang may lockdown ay nagawa ni Lovely na mag-aral online para maging isang certified fitness instructor. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

9 − four =