Puhunan ng mga atleta ang kanilang katawan,­ partikular ang pagkakaroon ng maaayos na kalusugan.

Sa panahong nagbabadya ang pagtama kaninuman ng nakamamatay na COVID-19 (Novel Coronavirus), kailangan siguruhin ng mga sports official ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga pambansang atleta lalo pa’t ang iba ay sa abroad pa nagsasanay bilang paghahanda sa mga international tournament katulad ng 2020 Tokyo Olympics sa Japan.

Bagama’t responsibilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) na tiyakin ang kalusugan ng bawat atleta, nararapat din na magsimula sa kani-kanilang sarili ang pag-iingat upang hindi dapuan ng COVID-19 o ng iba pang karamdaman.

Unang-una ang pagiging disiplinado sa pagkain at sa panga­ngatawan. Dapat pala­ging nag-eehersisyo at kumain lang ng masustansiyang mga pagkain.

Iwasan o alisin na ang mga bisyo gaya ng alak at sigarilyo at huwag kumain ng mga matatamis, masesebo at maaalat na pagkain.

Ang inyong lingkod, bagama’t hindi isang atleta, ay kaisa na po ngayon sa pagsusulong ng malinis at maayos na pamumuhay o lifestyle.

Kababalik ko lang sa 2-week sick leave dahil sa pagkakasakit at natuklasan ding mayroon po tayong diabetes.

Sa edad na 40, hindi pa naman huli para sa akin upang magkaroon ng healthy lifestyle.

Ginagawa ko na ngayong inspirasyon ang ating mga atleta na disiplinado sa pa­ngangatawan at sa mga kinakain.

Isa lang po ang buhay natin kaya dapat natin itong mahalin at pahalagahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

19 + twenty =