(Alonte Sports Complex, Biñan)
6:30 p.m. — Star vs. Meralco

Kilala sa depensa ang Meralco at ganoon din  ang tingin ni Bolts coach Norman Black sa Star.

Hindi masyadong sang-ayon si Hotshots coach Chito Victolero sa kung saan p’wedeng magkatalo ang kanilang PBA Governors’ Cup semifinals series na mag-uumpisa ngayong gabi sa Alonte Sports Complex sa lungsod ng Biñan, Laguna.

“It’s a battle between two good defensive teams so execution on offense will be very important,” sabi ni Black, na sinisikap paratingin ang kanyang team sa finals tulad noong nakaraang taon.

“It’s going to be more of a defensive game since both teams are on top defensively,” kontra ni Victolero na umaasam na makakalagpas na ang kanyang team sa semis sa kanilang ikatlong pagtatangka ngayong season.

Dahil sa kanya-kanyang motibo at pananaw­ na isasalin naman sa laro ng kani-kanilang mga players, inaasahang magiging mahigpitan ang best-of-five series.

Nanaig ang Meralco sa Star, 96-90, sa elimi­nations noong Sept. 9, pero marami nang nabago­ mula noon.

Una, pinalitan na ni Kris Acox si Malcolm Hill bilang import ng Star. Ang Icelander ang naging susi kung bakit kinailangan lang ng Hotshots ng isang laro para idispatsa ang NLEX sa quarterfinals.

Wala na rin si Allein Maliksi at nasa koponan na ngayon ni Victolero sina Kyle Pascual at Bambam Gamalinda.

Ang Meralco naman ay may Ranidel de Ocampo na, malaki ang naging papel para maka-angat ang Bolts laban sa Blackwater sa kanilang quarterfinals matchup. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

3 × one =