Alam niyo bang hindi lang pala sa pagka-mayor may magkapatid na magkalaban sa politika, mayroon din pa lang mag-utol na maglalaban sa pagka-gobernador.

Yes mga pare at mare, may mag-utol na magkalaban sa pagka-gobernador sa isang lalawigan sa Central Luzon. Ayon sa aking bubwit, ang sitwasyon na ito ay parang sa magkapatid na Makati Ma­yor Abby Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay at hawig din ng kinalalag­yan ngayon ng half-brothers­ na sina Sen. JV Ejercito at dating Sen. Jinggoy Estrada.

Ayon sa aking bubwit, gaya ng sitwasyon ng magkapatid na Binay at ng dalawang anak ni dating Presidente at ngayon ay Manila Mayor Erap Estrada, may tampuhan din ang mag-utol na maglalabanan sa balota sa pagka-governor sa isang probinsya sa Central Luzon sa Mayo.

Ayon sa aking bubwit, isa sa mag-utol na magbabakbakan sa balota sa pagka-gobernador ng kanilang lalawigan ay incumbent mayor. Nagdesisyon naman ang kanyang half-brother na labanan si incumbent mayor nang luminaw na tatakbo itong governor.

Ayon sa aking bubwit, may hinanakit si utol sa incumbent mayor dahil mukhang pinabayaan siya nito o hindi sinuportahan nang kumandidato ilang taon na ang nakalipas para sana subukan din sana ang kapalaran niya sa politika sa kanilang probinsya.

Puwedeng sumakit ang ulo ni incumbent mayor sa desisyon ng kanyang half-brother na labanan siya dahil ang parehong apelyido sa botohan ay maaaring magresulta ng komplikasyon.

Ang half-brothers­ na magtutuos sa pagka-gobernador ng kanilang lalawigan para sa eleksyon sa Mayo ay anak ng sikat na politiko at dating Congressman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five × four =