May kumukuwestiyon din pala sa ilang artista at politiko na naka-military o navy uniform na ngayon dahil hinirang na ang mga ito na kasapi ng sandatahang lakas ng Pilipino.

Nabasa namin ang tweet @lahingpinoy habang naka-post ang mga larawan nina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Senator Manny Pacquiao. Gayundin ang ilang politiko tulad ni Ma­yor Sarah Duterte at Congresswoman ng Bataan na si Geraldine Roman.

Ang caption sa post, “Mahiya naman kayo sa mga tunay na sundalo na dumaan sa hirap at tunay na pagsasanay. Nagbuwis ng buhay at dugo maging ganap na sandatahan ng Pilipinas.”

Maraming nag-reply sa tweet niya na netizens at karamihan ay uma-agree rito. So, may ganon pala? Kahit na sina­sabing dumaan naman sa ilang buwan o linggong training tulad nina Matteo at Gerald, kakuwestiyon-kuwestiyon o tila kulang sa kredibilidad para sa iba ang pagiging de-uniporme nila.

Summer MMFF Parade sa April 4 nanganganib

Dahil nag-back-out na ang Sinag Manila Film Festival at hindi na muna ito matutuloy or baka ma-move ang schedule dahil sa COVID-19, ang madalas naming marinig na tanong, paano ang Metro Manila Summer Film Festival?

Tuloy pa rin daw ba ito ngayong April na may parade na naka-schedule on April 4 or katulad ng Sinag Manila at iba pang events tulad ng concerts ay nagpa-abiso na hindi na matutuloy or re-sched for further notice.

Sayang dahil in fairness, ang ganda ng line-up ng walong movies. May ilan na ngang nagsisimula na ng promotion nila.

First Metro Manila Summer Film Fest pa naman ‘to, so kung hindi mapu-push ng summer, ano na, magiging Metro Manila Rainy Film Festival na? O balik sa dati na dalawang beses nagdaraos ng MMFF, bukod sa December ay June ng taon.

‘Yon lang, parang it will not depict the purpose na “summer” nga siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

nineteen + 4 =