Matapos ang mahigit dalawang buwan na puro replay ang napapanood sa mga dabarkads, muli ngang nakita ng live ng mga fan ang mga host ng “Eat Bulaga!”

Buhay na buhay with bonggang energy na pumasok sina Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa entablado.

At mapapansin ang maayos na pagsunod ng mga host sa panuntunan na mag-social distancing habang ginagawa ang usual duty na mag-host.

Suot pa nga ang mask, full energy na tinamaan ni Alden ang gong para simulan ang programa. May mga moment na parang magdidikit sina Alden at Maine, pero hindi natuloy, dahil bawal na bawal talaga ang magdikit ang mga host.

Samantala, sina bossing Vic Sotto, Joey de Leon, at kahit si Allan K, at Ryan Agoncillo ay naka-work from home. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

sixteen − twelve =