BINATI ni Mayora Abby Binay ang mga paaralan na nakilahok at nanalo sa ginanap na Makati Brainlympics 2018 noong Nobyembre 16.

Para sa Elementary category, itinanghal na kampeon ang Comembo Elementary School, habang napanalunan ng Rizal Elementary School ang 1st place, Nemesio Yabut Elementary School ang 2nd place, at East Rembo Elementary School ang 3rd Place.

Itinanghal rin na kampeon ang Makati Science High School. Panalo rin ang San Antonio National High School na nakuha ang 1st Place, habang nakuha ng St. Paul College of Makati ang 2nd Place, at ang Makati High School ang 3rd Place.

Binigyan din ng parangal ang mga Division Champion mula sa Public at Private na mga Paaralan. Para sa Elementary level, wagi ang Golden Values School para sa Private School, at Comembo Elementary School sa Public School. Para naman sa High School, wagi ang Makati Science High School para sa Public School at ang St. Paul College of Makati para sa Private School.

Ang mga itinanghal na kampeon ay mag-uuwi ng P20,000 cash prize, trophy at medal, at 4 na laptop na ibibigay sa mga nakilahok na mag-aaral.

Iuuwi naman ng 1st place ang P15,000 cash prize at trophy, ng 2nd place ang P10,000 cash prize at trophy, at ng 3rd place ang P5,000 cash prize at trophy.

Samantala, makakatanggap din ng P5,000 ang mga tinaguriang Division Champion.

Ang Makati Brainlympics 2018 ay hatid sa inyo ni Mayora Abby at ng Youth and Sports Development Department (YSDD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five + thirteen =