Mayor todo pamada sa karampot na buhok

Hindi raw lumalabas ng bahay itong alkalde na hindi nakapamada ang buhok.

Kahit karampot lang ang buhok, sangkaterbang pamada o hair gel ang pinapahid ni mayor.

Kaya tuwing makikita mo ito sa pampublikong lugar, aakalain mong bagong ligo si mokong pero epekto lang ito ng wet look niyang gel.

Kahit na malakas ang hangin, hindi nagbabago ang porma ng buhok ni mayor dahil sa sobrang dami ng pamadang pinahid sa buhok.

Gusto sigurong gayahin ni mayor si Johnny Bravo pero dahil hindi naman makapal ang buhok ay nagmistulang slicked-back undercut ang tabas nito.

Pintahan nyo na. Ang alkalde na todo ang pamada sa karampot na buhok ay may letrang M sa kanyang apelyido as in Mayor.