Meg Imperial umiyak sa b-day ng ama

Hanggang sa social media na lang idinaan ni Meg Imperial ang paga-alala niya sa kaarawan ng yumao niyang ama. Nagposte ang aktres ng larawan ng daddy niya sa Instagram at larawan ng tatlong kandila.

Hindi magawang bisitahin ni Meg ang puntod ng ama dahil sa community quarantine.

Sa caption, sinabi ni Meg na hindi pa rin suya nakaka-recover sa pagkamatay ng kanyang ama. Iniiyakan pa rin ni Meg ang pagkawala ng kanyang ama.

Ang mga birthday, anniversary, pagbisita sa mga namatay na mahal sa buhay ang ilan lang sa mga nasakripisyo dahil sa COVID-19.