KAMAKAILAN ay pinagdiinan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga atleta at coach.
Kaya naman hanggang ngayon ay wala pang natatamaan ng COVID-19 sa mga ito.
“As of this moment, we don’t have any report of COVID-19 infections among athletes and coaches,’’ ani Ramirez.
Bukod sa mga atleta at coach, iniisip din ni Ramirez ang kaligtasan ng kanyang mga bataan na nagta-trabaho para sa ikauunlad ng sports at ng ahensiya.
“We are on lockdown, but we try our best to keep updated of our athletes’ and employees’ status,” paliwanag ni Ramirez. (Elech Dawa)