Bawal pa ring lumabas ang mga bata sa kalsada kapag inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, bilang bahagi ng mga ipatutupad na guidelines sa ilalim ng GCQ.
Kaugnay nito’y malaking hamon din sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng transportasyon.
Papayagan na rin kasing bumiyahe ang mga P2P bus, taxi at TNVS.
Nabatid na kinakailangang gumamit ng 25,000 concrete barriers ng MMDA para sa bus lane at may 15 bus stop silang itinayo sa gitnang bahagi ng Edsa.
Nabatid na mula sa 61 bus routes, isa na lang ang ruta ng bus sa Edsa.
Nauna nang napabalita na bubuksan na ang mga sinehan kaya lamang ay wala dapat itong pila.
Gayundin, sinabi ni Lopez na unti-unti nang papayagan sa Hunyo 7, ang pagbubukas ng barber shop at salon kaya lamang ay limitado ang serbisyo.
Ipinagbabawal pa rin ang SPA, waxing service, manicure at pedicure services. (Juliet de Loza-Cudia)