Nanindigan si Vice-Mayor Janella Estrada na walang puwang sa serbisyo publiko ang mga politikong bolero.

Ginawa ni Vice Mayor Estrada ang pahayag na tila patama sa mga politikong magagaling lamang mambola sa harap ng mga tao pero hindi naman kayang tuparin ang mga ipinangakong programa at proyekto para sa ikabubuti ng bayan.

“Bilang isang lingkod bayan para sa akin, kapag magsalita ka sa harap ng iyong mga kababayan, hindi ka dapat magsabi ng mga gusto lang nila marinig. Dapat kung ano man ang sasabihin mo ay panindigan mo at gawin mo para sa kapakanan ng iyong mga kababayan.”diin ni Janella.

“Hindi dapat mangako ng hindi naman kayang tuparin. Laging isipin at pakatandaan na hindi mo kailangan bolahin ang mga kausap mo, ang dapat ay magampanan at pangatawanan mo ang posisyon na ibinigay sayo.”dagdag pa ng anak ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Proud naman si Mrs. Precy Ejercito­ sa paninindigan ng kanyang anak, habang may ilang netizen naman ang nagsabing kay Janella lamang nakakasiguro ng magandang kinabukasan ang San Juan.

“Kay Mayor Janella Ejercito Estrada panalo ang mamamayan San Juan Serbisyong subok na at nakakasigurado tayo na ang kanyang mga magagan­dang proyekto ay para sa lahat ng san juanenos may ID man o wala,” komento ng isang Obet Reyes.

Tinukoy naman ng isang residente na ang kalaban lang naman ni Janella ang mahilig mambola sa mga botante dahil kapag natapos ang halalan ay nagtatago na at hindi natutupad ang mga pangako.

Si Janella ay tatakbong alkalde ng San Juan sa darating na halalan, kalaban ang dating Vice-Mayor ng San Juan na si Francis Zamora na minsan nang tinalo ni incumbent Mayor Guia Gomez.

Last term na ni Mayor Gomez at dahil sa malaki ang tiwala niya kay Vice-Mayor Estrada ay sinusuportahan niya ang kandidatura nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

six + 19 =