Hinangaan ng labor group na Defend Jobs Philippines ang ginawang hakbang ng ABS-CBN na bigyan pa rin ng sweldo ang kanilang mga manggagawa sa kabila ng pagpapatigil sa trabaho dulot ng pagkalat ng COVID-19.

Sa pahayag ng labor group sa kanilang Facebook account, dapat daw tularan ng mga kompanya ang ginagawang pangangalaga ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado lalo na’t mas kailangan nila ito ngayon sa panahon ng sakuna.

Sabi pa ng grupo, sana gawing inspirasyon ng gobyerno at ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ABS-CBN. Mungkahi rin ng spokesperson nito na si Thadeus Ifurung, manduhan daw dapat ang iba pang kompanya na i-suspend ang “no work, no pay” policies nila para masigurong masuportahan pa rin ng mga trabahador ang kanilang mga pamilya kahit walang trabaho.

Sa huli, hiling ng grupo na ‘wag sana hayaan ng gobyerno na mawalan ng kabuhayan ang mga manggagawa, lalo na ang mga trabahador na humaharap sa publiko dahil sila ang pinakamaaaring tamaan ng sakit.

Sunod-sunod naman ang papuri ng netizens sa ABS-CBN at gaya ng Defend Jobs Philippines, hiling nila na gayahin din sana ito ng mga pribadong kumpanya.

“Sana gawin dito ng iba pang kompanya ang ginawa ng ABS-CBN para sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at talents. Patuloy pa rin ang sweldo kahit nasuspende na ang produksyon,” sabi ng Facebook user na si Daisy Flores.

“Isa sila sa pinakamahusay na role model mula noon hanggang ngayon. One love, Kapamilya,” komento naman ni Edna Salazar.

“Thank you ABS-CBN! Thanks for supporting your employees amid this crisis,” papuri naman ni Nash Berlon.

Deserve ng ABS-CBN ang isang masigabong palakpakan. Sana lahat ng kompanya tulad nila na talagang itinuturing na kapamilya ang kanilang mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

17 + 8 =