SINIPA muna ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) saka nagbitiw si Vincent ‘Chot’ Reyes bilang coach ng Philippine national men’s basketball team noong Martes, Setyembre 11.
Ugat sa paggulong ng ulo niya ang pagiging pasimuno o pagpaparambol sa Gilas Pilipinas kontra Australia Boomers sa 19th International Basketball Federation (FIBA) 2019 World Cup qualifying noong Hulyo 2 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sa pangyayaring iyon, nabaldado ang buong team dahil nasuspinde ang 13 players at 2 coaches, kasama siyang pinagmulta rin at ang SBP at na-ban ng isang taon ang mga opisyal.
Ang mga nasuspendido ay sina Japeth Aguilar at Matthew Wright (tig-1 laro), Terence Romeo, Jayson Castro William, Andray Blatche, Jeth Troy Rosario at Roger Pogoy (3-game each), Carl Bryan Cruz at Jiovani Jalalon (5) at Calvin Abueva (6), assistant coach Joseph Uichico (3) at Reyes (1 game at $13,500 o P730,000 fine).
Multado rin ang SBP ng $340,000 (P18-milyon) at may 3 years probation pa sa FIBA.
Ang kaganapa’y nagpahirap din sa Nationals na bumuo na lang ng ragtag team o patakbuhing koponang sumabak sa 18th Asian Games sa Indonesia na pinangunahan ng Rain or Shine players ng Philippine Basketball Association (PBA).
Kumakasang pumanlima sa 15 kalahok ang PH quintet sa 3-2 win-loss record sa pagmando ni coach Joseller ‘Yeng’ Guiao, ang pumalit kay Reyes.
Pero hindi na bago kay Reyes ang sibakan blues.
Sinipa na rin siya ni dating SBP president Manuel Pangilinan tapos ang bangungot na ika-7 puwesto lang sa 15 kasali sa 17th Asiad 2014 sa Incheon, South Korea sa 3-4 mark tapos akuin ulit ang trabaho noong 2012 kay Rajo Toroman ng Serbia.
Tampok doon ang pagpapa-shoot niya kay Marcus Douthit sa basket ng Kazakhstan para makahirit umano ng overtime dahil kailangang manalo ng PH 5 ng 11 points para makapasok sa medal round. Pero hindi binilang ang basket at natapos ang laro sa regulasyon 67-65 at sawimplad ang bansa.
Isang panalo lang din ang nailista niya sa 5 laro sa Spain 17th FIBA World Cup 2014 kaya tumapos na ika-21 sa 24 na partisipante ang Pinoy quintet.
Landing lang din ang ‘Pinas sa ilalim niya sa ika-5 puwesto ng 2005 FIBA Asia Champions Cup.
May mga nagsasabing dapat siyang tumanggi kapag pinababalik siya ni MVP sa Gilas mapagbigyan naman ang ibang talento, pero inako na naman trabaho noong 2016.
Pero ang pinakapetmalu o grabe, grabe, pumapatol siya sa kanyang mga basher sa socmed. ()