Apektado na rin pati trabaho ng ilang Pinoy sa Los Angeles, California, USA dulot na rin ng patuloy na panggugulo ng ilang raliyista.
Nabatid na sa halip na balik-trabaho na dapat ang mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa ay naudlot ito matapos ang marahas na kilos protesta kung saan winasak at ninakawan ang ilang establisyimento.
Sa isang panayam, sinabi ng isang Pilipinong nagtatrabaho sa jewelry shop sa Los Angeles, California, na nitong Martes sana ang resumption ng kanilang trabaho kasabay ng reopening ng mga negosyo na nagsara dahil sa COVID pandemic.
Gayunma’y naunsyame ang pagpasok nito nang kanselahin ang kanilang pagbabalik-trabaho dahil nasa sentro sila ng kilos-protesta.
Dahil sa nasabing riot ay patuloy ang pagpapatupad ng curfew mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga kung saan pati National Guard troops ay kanilang pinakalat dulot na rin ng police brutality at racism matapos mapaslang ang black American na si Georg Floyd.