Mocha pinasaringan ni John Lapus

Pinasaringan ni John Lapus si Mocha Uson kaugnay sa nagaganap na pagpayag ng gobyernong makabalik sa kani-kanilang probinsya ang mga sumailalim sa quarantine process na mga OFW.

Sa kanyang tweet, diretsahang pinatutsadahan ng comedian-director si Mocha at sinabing dapat ay nasa eksena ng pagpila ng mga OFW si Mocha at tumulong sa pagpapaalala ng social distancing sa mga ito, sa halip na mga kung ano-anong walang kuwentang ang ginagawa nito.

“Kawawa ang mga OFW. Ano ba naman na pumunta si Mocha doon at mag-megaphone ng “social distancing pls, lahat po ay makakauwi sa inyong pamilya, imbes na ka-lechehan ang inaatupag,” sey ni Sweet.

Si Mocha ay kasalukuyang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration. Alagang laitin ng mga anti-Duterte si Mocha sa paniniwalang walang kakayahan at talino ang dating actress-singer na manungkulan sa anumang government agency.