NASCAR driver Bubba hinimatay sa interview

PINAGKAGULUHAN ng mga miron si NASCAR driver Bubba Wallace nitong Linggo [Lunes/Manila Time] nang mahimatay ito habang live na ini-interview.

Matapos kasing harurutin ang racing event na ‘Folds of Honor QuikTrip 500’ sa Atlanta Motor Speedway ay kinapanayam si Wallace sa podium ng isang reporter.

Sa umpisa ng interview ay todo-ngiti pa ang 26-anyos pro-race car driver ngunit ilang saglit pa ay bigla na lang itong nawalan ng malay.

Bunga noo’y agad itong sinaklolohan kung saan sa online post ng netizen ay makikitang pinapasok na si Wallace sa ambulasya gamit ang stretcher. (Aivan Episcope)