Masyado yatang bilib sa kanyang sarili itong kontrobersyal na opisyal ng gobyerno.

Hindi naman guwapo at matipuno pero sobrang lakas ng tiwala ng opisyal sa kanyang mukha.

Aba’y akalain nyo ba namang nagpagawa ang mokong ng maraming standee o life-size ng kanyang larawan.

Kalimitang nagpapagawa nito ang mga politiko at tatakbo sa halalan, pero itong opisyal, ginawang dekorasyon sa kanyang kuwarto.

Marami na nga ang nasusuka sa mukha ng opisyal, lalo pa kaya kung makita pa nila ang standee nito sa kanyang bahay.

Pintahan nyo na. Ang opisyal na nagpagawa ng maraming standee ay may kamukhang artista na pumanaw na at may letrang S sa kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

seven + eleven =