Opisyales ng California sumuporta sa prangkisa ng ABS-CBN

Pang-international na nga ang sumusuporta sa franchise renewal ng Dos dahil nagsalita na rin ang San Mateo County Board Supervisor sa California na si David Canepa. Sabi niya sa kanyang liham na kanya ring in-upload sa Facebook, malaking bahagi ng nasasakupan niya ay binubuo ng mga Pilipino na siya ring lubos na apektado sa pagsasara ng ABS-CBN, kaya iginiit niyang ipasa na ang prangkisa nito.

“The very community I represent faces a grave danger in their motherland. The shutdown of ABS-CBN has resulted in an assault against Filipino people during a time where all governments should be working side-by-side to protect, inform, and uplift all nations and their citizens,” sabi ng opisyal ng California.

Dagdag niya pa, ABS-CBN ang tinututukan ng halos kalahati ng populasyon ng manonood sa buong Pilipinas, at ito lang din ang nasasagap ng mga kapos-palad na nakatira sa mga mlalayong lugar, kaya siguradong makakaapekto ito sa kaligtasan ng mga tao ngayong panahon ng pandemya.

“The most marginalized and poorest communities are now cut off from critical information that is essential to their survival. Majority of the entire nation relies on it for news and entertainment, including Filipinos living in the United States,” sabi pa niya.

Sa huli naman, hiling niya na magkaroon ng patas na desisyon ang korte ukol sa isyung ito dahil maaari rin nitong maaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas at Amerika kung walang magababalita ng kritikal na impormasyon para sa mga tao tungkol sa krisis na hinaharap ngayon.

“We are hoping to see a fair and democratic process related to the franchise agreement deliberation. The economies of both the Philippines and the United States will suffer without an agreement that guarantees a free press and the nation’s access to information so that all people have a fair chance to survive the pandemic,” pagtatapos niya.

‘Yan din ang hiling ng marami at sana matupad ito lalo pa’t ngayong linggo na mag-uumpisa ang hearing sa franchise renewal ng ABS-CBN. Sana umiral pa rin ang katarungan para sa lahat ng mga manonood, empleyado, at natutulungan ng ABS-CBN.