Inilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang 10th weekly report sa Kongreso tungkol sa pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa kanyang 33 pahinang report Lunes ng gabi, inihayag ng Pangulo na gumastos ang pamahalaan ng P14.1 bilyon sa pagbili ng mga personal protective equipment (PPE), test kit at iba pang medical supply.

Ayon sa Pangulo, bumili ang Department of Health (DOH) ng 6,062,019 PPE sets na nagkakahalaga ng P12.1 bilyon at karagdagang 65,330 PPE sets gamit ang natipid ng gobyerno mula sa nakaraang procurement nito.

Nakabili na rin aniya ng siyam na klase ng PCR test kit sa halagang P1.6 bilyon at 10 unit ng automated nucleic acid extraction machine na binili sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management sa halagang P400 milyon.

Nakasaad ang weekly report ng Pangulo sa Bayanihan to Heal as One Act na nagbigay sa kanya ng emergency powers para tugunan ang COVID-19 pandemic. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

two + 12 =