Isang bilyong pisong halaga ng Gift Certicates (GCs) ang naibigay ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Oplan Damayan sa mga urban poor families na nasasakupan ng 10-Suffragan Diocese sa MegaManila.
Ini-ulat ni Rev.Fr.Anton CT Pascual na kabuuang 1, 078, 212, 500 ang nai-release ng Caritas Manila sa Diocese of Cubao, Antipolo, Malolos, ParaƱaque, Kalookan, Novaliches, San Pablo Laguna, Pasig at Archdiocese of Manila na binubuo ng 633 na parokya.
Ayon kay Fr. Pascual, umaabot na sa 813, 557 urban families o 4,069, 285 na urban family members ang nakinabang sa GC na ipinamigay ng Caritas Manila mula sa mga negosyanteng kabilang sa Oplan Damayan para sa mga apektadong pamilya ng COVID 19 pandemic.
Naisakatuparan ito ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan sa mga mayayamang negosyante at lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga apektado ng Luzon-wide enchanced community quarantine.