Paano kung ang mga namumuno ang lumalabag?

Biyernes, Hunyo 5, bumiyahe patungong Baguio si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Sinabi ni Mayor Zamora na ihahatid niya ang kanyang maybahay sa Baguio City para sa ilang linggo ng pahinga. Dumating ang convoy ng anim na sasakyan sa Kennon Road checkpoint ng bandang alas-2:30 ng hapon. Nag-slow down ang naunang sasakyan at sinabihan lang ang nagbabantay ng checkpoint na convoy sila, at tuloy-tuloy lamang sila paakyat sa siyudad.

Sinundan sila ng mga traffic police ng Baguio hanggang makarating sa Baguio Country Club. Nang walang maipakitang medical clearance ang grupo, pina-undergo sila ng triage examination. Kinailangan pang pumunta ang mga tauhan ng City Health Service Office sa Baguio Country Club para gawin ang examination.

Nag-react si Baguio City Benjamin Magalong sa hindi pagsunod sa health protocol ng siyudad. “There is utmost need to re-assert the policy position of the City Government, that no one, regardless of rank and position, is exempted from the established and long-held health and safety protocols when entering the city,” pahayag ni Mayor Magalong.

Humingi agad ng paumanhin sa Mayor Zamora kay Mayor Magalong. Ayon kay Mayor Zamora, natutulog daw siya nang dumaan sila sa checkpoint kaya hindi niya alam ang nangyari sa checkpoint. Nagkaroon lamang daw ng “miscommunication” sa pagitan ng police escort niya at sa mga nagbabantay sa checkpoint.

Tinanggap naman ni Mayor Magalong ang apology, pero nakapagsampa na ng reklamo ang pamahalaan ng siyudad na imbestigahan ang insidente sa opisina nina complaints have also been filed with PNP Deputy Chief for Administration Police General Camilo “Picoy” Cascolan, San Juan City Police City Director Jimmy Santos, and Baguio PNP city director Col. Allen Rae Co.

Na-relieve sa puwesto ang 5 pulis na kasama sa convoy. Kinilala ang mga eto ni BGen. Gerry Galvan, chief ng NCR Regional Internal Affairs Service na sina MSgt. Ricardo Interno; Staff Sergeants Joel Pascua, Christian Manlapaz and Ludy Constantino; at Cpl. Marxist Garcia. Inilipat ang lima sa Regional Personnel Holding & Accounting Unit sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang tumatakbo ang imbestigasyon.

Kilala ba ninyo kung sino ang naglabas ng relief order? Si NCRPO Director Major Debold Sinas, ang kontrobersyal na opisyal na lumabag sa health protocol nang bigyan ng birthday mañanita at nagkainan kasama ang ilang mga tauhan.

“We, as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines,” sabi ni Director Sinas.

Dumipensa naman kay Mayor Zamora si DILG Sec Eduardo Año. Sinabi ni Sec. Año na wala naman nakitang abuse of authority sa parte ng mayor. Naging arogante at miscommunication lamang daw ng mga police escort.

Ang mga ganitong pangyayari ang nakakasira sa pagtitiwala ng mga tao sa mga autoridad. Naging maingay ang reaksyon sa social media nang nakipag-mañanita si PNP Director Sinas. Nauna pa riyan ang pagdalaw ng Covid-positive na Sen. Koko Pimentel sa Makati Medical Center.

Magiging matatag ang tiwala ng mga mamamayan sa mga namumuno kung sila mismo ang magpapakita ng magandang ehemplo. Kapag ang mga namumuno ay sumusunod sa batas, asahang susunod ang mga ordinaryong mamamayan.