NABIGYAN ng konting ningning at saya ang mga karerista dahil sa ginawang hakbang ng Philippine Racing Commission (Philracom).

“Tinangap na po ng Office of the Special Assistant to the President, Cabinet Secretary, Department of Health ang apela ng Philippine Racing Comission para sa Resumption of Races ito po ay inendorso na sa Inter Agency Task Force on the Pandemic para po aksiyunan,” hayag ng Philracom sa kanilang Facebook page.

“Patuloy po natin ang pagdasal at salamat sa suporta. Makakaraos din tayong lahat.”

Natuwa ang mga karerista dahil para sa kanila ay malaki ang tsansa na payagan nang magkaroon ng karera.

“Basta kung ano ang sabihin ng gobyerno ay kailangan nating sumunod, kapag pinayagan ay dapat pairalin pa rin ang physical distancing at pagsuot ng face mask,” ani Roberto Manansala, karerista na taga-Tayuman.

Nahinto ang karera matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Luzon noong Marso. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 + 15 =