Pagtulong sa mga stranded

Ang kalunus-lunos na kapalaran ni Michelle Silvertino na namatay dahil sa masasamang pangyayari habang siya ay naghihintay ng bus para makauwi ay isang napakalungkot na sitwasyon na inaasahan nating hindi na mangyayari muli.

Tulad ni Michelle, daan-daan sa ating mga kababayans ay sabik nang makauwi sa kani-kanilang probinsya. Umaasa sila na magiging normal na ang byahe sa eroplano o bus ngunit sa kasamaang palad sila ay stranded sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

Nais kong umaapela sa mga lokal na yunit ng gobyerno at sa mga opisyal ng barangay na tulungan ang mga stranded na indibidwal sa inyong mga lokalidad o i-endorso ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungan sila.

Noong nakaraang linggo, ang Department of Interior and Local Government (DILG), National Task Force Laban sa COVID-19, at ang DSWD ay nagsimulang tulungan ang mga stranded na kababayan natin at dinala sila sa Villamor Air Base.

Simula noong Hunyo 14, mayroon nang 764 na stranded na mga indibidwal na pansamantalang nanatili sa Villamor Air Base Elementary School at sa Philippine State College of Aeronautics. Sa bilang na ito, 379 ay nabigyan na ng tulong para sa transportasyon, habang ang natitirang 385 ay kailangan pa ring maghintay ng tulong.

Namahagi ang DSWD ng 633 na sleeping at sanitary kits sa Villamor Air Base Elementray School noong Hunyo 14. Mayroon ding 539 na stranded na indibidwal na tumanggap ng PhP 2,000 na tulong pinansyal mula sa DSWD.

Inaanyayahan ko ang lahat na maging maingat upang maiwasan na mai-scam. May mga taong maaaring magsamantala ngayong panahon ng kwarentena. Humingi kayo ng tulong mula sa mga awtoridad o idulog ang inyong mga alalahanin sa pamahalaan.

At iyong mga taong patuloy na nagsasamantala sa mga taong stranded, binabalaan ko kayo. Itigil niyo ang inyong iligal na gawain. Alam namin kung sino kayo. Hahanapin namin kayo at paparusahan sa inyong mga ginawa.

Tulad ni Secretary Eduardo Año ng DILG, umaapela ako sa ating mga kababayan na huwag pumunta sa paliparan o estasyon ng bus kung wala kayong tiket. Huwag kayong magbakasakali dahil mahihirapan lamang kayo.

Alam ko na mahirap na mapalayo ng matagal sa ating pamilya habang tayo ay nasa kwarentena. Ngunit hinihiling ko sa inyong lahat na magtiis pa ng kaunti.

Habang ipinagpapatuloy natin ang ating laban sa COVID-19, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para balansehin ang kalusugan at kaligtasan ninyo habang unti-unti nating ibinabalik ang sigla ng ekonomiya habang lumilipat tayo sa bagong normal. Sa sandaling pumasok tayo sa bagong normal na yugto, mas maraming nang mapagpipiliang transportasyon para makauwi na kayo at makasama niyo na ang inyong pamilya.