Isiniwalat ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na dismayado ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa ilang gawain ng Department of Health (DOH) kaugnay ng pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Hindi ko sasabihin sino nag-share ng information pero taga-IATF. Sila dismayado. Ang training nila they will toe the line of Malacanang. `Pag sinabi ng Pangulo si Sec [Francisco] Duque still enjoys my trust and confidence, tameme sila,” ayon kay Lacson.

Kaya payo ng senador sa mga miyembro ng IATF, isumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nakikitang isyu sa DOH.

“Ang sa akin naman dapat maski confidential memo magpadala sila sa Pangulo ng totoong nangyayari. Hindi ang dahil mapapakontra sila sa decision ng Pangulo, hindi na sila kikibo. Dapat tingnan nila ang mas malaking picture, hindi ang organization lang ng IATF na parang magpo-project na they are working harmoniously. Pero there is a bigger issue, there’s a bigger risk involved kung di sila kikibo para i-report sa Pangulo ang totoong nangyayari,” ani Lacson.

Ibinahagi pa ng senador ang isang naobserhan aniya ng taga-IATF.

“Ito na-share sa akin ng taga-IATF na noong pumasok sila, napansin nila bakit insisting ang RITM, ang DOH, na mag-manual? Sa PCR extraction dapat automated na, kasi matagal nang automated ang sa ibang bansa. Pero parang (ayaw) ang RITM and DOH na mag-automate. Bakit? Ang sagot, kasi pag manual maraming involved na consumables. Again, iisipin mo na naman pagka ganyan ang situation bakit ayaw mag-automate, mas mapapadali ang resultang lalabas. Ang manual napakatagal. Bakit ini-insist nila manual? So nag-start sila mag-automate less than a month ago,” ani Lacson.

Gayunman, wala aniyang naglalakas loob na magsumbong sa Pangulo tungkol sa problema ng IATF sa DOH.

“Walang mangahas magsabi sa Pangulo na Mr President eto namomroblema kami sa DOH. Walang nagsabi nang ganoon. Pero kung nakikipagusap sa amin, individually, sinasabi sa amin ang mga issue eh. Sinabi ko nga na shared sa akin nagulat sila nasorpresa sila bakit manual ang extraction, e samantalang automated na? Parang ayaw mag-automate?” dagdag pa ng senador. (SDC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eleven + 1 =