Iniulat din ni Dr. Cynthia Lyn Melchor, municipal health officer, kay Ginete at sa Anakalusugan ang ganu’n ding sitwasyon sa Sta. Teresita.
Kulang sa medisina at kagamitan ang mga health center sa 13 barangays ng munisipalidad.
Mayroon ding tumataas na bilang ng ‘tuberculosis’ sa isang barangay at high blood sa isang barangay, isang problema na lumalala dahil sa kakulangan ng kagamitan na sumusubaybay at supply ng medisina.