Sobra umanong mahal at taga sa presyo ang China made na COVID-19 test kit na binibenta sa merkado kasama na ang ipinagbili ng Philippine National Red Cross sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa nakalap na dokumento ng Politiko.

Ayon sa dokumento ng Sansure Biotech Corp., manufacturer at supplier ng COVID019 test kit na kung sa kanila bibilhin ang nasabing supply ay nasa $30 lang ito at katumbas ng P1,500.

“The recommended terminal sales price for COVID-19 kits from Sansure Biotech in the market of Philippines is between $20 and $30 per test, including customs clearance fees, transportation, taxes, technical support, service storage charge and etc,’’ sabi sa dokumento.

Nakasaad pa sa Sansure document na ang mga testing center na gaya ng PNRC ay kailangan munang kumuha ng permiso sa kompanya para sa final price upang matiyak na hindi ito lalagpas sa suggested price na itinatakda sa isang produkto.

“According to the general situation of the local epidemic and the quantity of each order, corresponding consultations and adjustment of price can be made. When the final adjusted price is not between $20 to $30 per test, the consent of Sansure Biotech must be obtained,’’ ayon pa sa dokumento.

Gayunman sa memorandum of agreement na nagkabisa noong April 27, 2020 sa pagitan ng PNRC- na kinatawan ng chairman nito na si Sen. Richard Gordon at PhilHealth na kinatawan naman ni chairman at CEO Ricardo Morales , nakasaad na ang PhilHealth ay magbabayad sa PNRC ng P3,500 sa bawat COVID patient na miyembro at inindorso ng local government.

Nag-charge din umano ang PNRC ng P4,000 per test sa PhilHealth member na hindi iniindorso ng LGU bukod pa sa 500 para sa certificate kun saan nakalagay ang result ng test.

Sinabi pa ng Sansure na binigyan nila ng special discount ang Red Cross dahil na rin endorsement ng China Red Cross.

“PhilHealth shall release to PRC,as a form of prospective payment a mobilization fund, P5 million for highly urbanized cities, P3 million not classified as HUC and P2 million for municipalities,’’ ayon sa MOA .

Nakasaad din sa MOA na sa PNRC nakapangalan ang bank account kung saan idedeposito ang PhilHealth funds.

Hiningan ng reaksyon ng Abante si Senador Gordon sa nasabing transaksyon subalit hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang naging pahayag ang tumatayong pinuno ng Red Cross. (Nancy Carvajal)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

17 + 13 =