Pia tutulong sa 200 pamilya sa Donsol

Sobrang proud si Jeremy Jauncey sa dyowa niyang si Pia Wurtzbach, dahil ayaw ngang tumigil ng dalaga sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Aba, hanggang sa Donsol nga ay umabot na si Pia sa pagtulong, ha!

“This week I want to talk about The Butanding Interaction Officers, popularly known as the BIO. They are the frontliners of Donsol’s whale shark tourism, acting as both tour guides and life guards.

“There are around 40-50 BIOs in Donsol, and their livelihoods have been severely affected by this pandemic. Because of the lack of tourism income, they have been struggling to feed their families and to provide for their daily basic needs. Our goal is to help not just the families of our BIOs, but also a total of 200 families in Donsol by providing them with food assistance.

“Let’s protect the protectors of our whale sharks. Together, let’s support our BIOs, and the community of Donsol, as they continue to #ChangeTheEnding for our endangered butandings and their natural habitat! The link to donate is in my bio,” sabi ni Pia.

Marian may bagong ‘Ding Dong’

Bukod sa pagtulong sa ating mga kababayan at mga frontliner, at pati na rin sa pag-aalaga sa kanilang mga anak, may bagong proyekto na pinagkakaabalahan ngayon ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa Instagram ni Marian, inanunsyo niya ang latest venture nilang mag-asawa sa pamamagitan ng isang video.

Sabi ni Marian: “Ding Dong? Iisa lang naman ang Ding Dong sa buhay ko. Ano sa tingin niyo? Hmmm… Alamin natin by following @dingdong.ph.”

Inulan naman ng positive feedbacks ang comment section ni Marian mula sa kanyang followers na excited na sa pinakabagong business ng mag-asawa.

Alden inspirasyon ng fan sa Dubai

Ginulat ni Alden Richards ang fan niya nang bigla siyang naki-join sa video interview ni Jessica Soho kay Ian dela Peña III last Sunday.

Si Ian ay isang OFW na naka-base sa Dubai at isa sa mga tinampok ng programa sa segment nitong “TikTok Look-Alike Challenge”— ang bagong usong style sa video app kung saan pinapakita ng nagti-TikTok sa dulo ang kamukha umano nilang celebrity.

Kahit si Alden, aminado na may pagkakahawig nga sila ni Ian lalo na’t may dimple rin ang huli. Papasa nga raw silang magkapatid sa mga teleserye.

Hindi naman makapaniwala si Ian nang makita at makausap ang idol niya. Nagpapasalamat daw siya kay Alden dahil inspirasyon niya raw ito sa kanyang buhay.

Si Alden naman, hinangaan si Ian dahil kahit na may mga problema itong kinakaharap, tinutulungan niya ang kanyang sarili na hindi matalo ng sitwasyon niya at isa na nga ang paggawa ng mga TikTok video sa mga pampa-good vibes nito. Isa nga si Ian sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Advice rin ng Asia’s Multimedia Star, dapat daw huwag masyadong isipin ni Ian ang nakaraan dahil hindi na ito mababago pa at bagkus ay mag-focus na lang sa hinaharap.

“Napakagandang example ka ng mga taong naapektuhan ng pandemic pero lumalaban pa rin sa buhay. Saludo kami sa iyo,” say pa ni Alden kay Ian.

Wish ni Ian na makita rin nang personal ang idolo niya. Wala naman itong problema kay Alden na sinabing sana nga ay magkita sila sa susunod na makabisita siya sa Dubai.