Maging si Pia Wurtzbach ay walang ideya kung kailan sila makakabalik sa trabaho at magiging normal uli ang kanilang buhay. Ito ang malaking tanong ni Pia sa posting nya ng mga head shot photo session niya sa isang Pinoy photographer bago pa pumutok ang COVID-19.
Pinoste ni Pia sa Instagram ang pictorial niya at saka nagpahayag ng kanyang pagkasabik sa dating work activities.
“Miss going to work and doing fun shoots! I wonder when we’ll be able to work again…Here’s something I did with @bjpascual a while back before quarantine started,” sabi ni Pia. (Rey Pumaloy)