KAPOS daw sa budget ang isang politiko kaya naisipan magpa-raffle ng lumang gadget.
Ilan daw sa pina-raffle ng politiko ay mga luma o second hand na cellphone.
Nahalata daw ng mga winner na second hand ang napanalunan nila dahil walang kasamang charger ang box.
May ilang unit din na may gasgas na at halatang ginamit na bago pina-raffle ng politiko.
Duda ng iba, kinupit ng organizer ang pondo para makabili ng mga murang pang-raffle.
Pinagtiyagaan na lang daw ng mga winner ang nakuha nilang premyo kaysa naman walang makuha sa raffle.
Pintahan n’yo na. Ang politiko na nagpa-raffle ng lumang cellphone ay palangiti at may letrang H sa kanyang pangalan.