Mukhang napraning na yata itong lokal na opisyal ng gobyerno matapos na ipasara ang ilang negosyo sa kanyang nasasakupan.
Tumira yata ng katol o medyas ang kumag kaya pinag-initan ang ilang negosyo na pinaghihinalaan niyang supporter ng kanyang kalaban.
Nagulat tuloy ang mga may-ari ng negosyong pinag-initan nitong alkalde dahil wala naman silang nakikitang paglabag sa kanilang paghahanap-buhay.
Hindi man lang daw nagbigay ng warning itong si mayor as in ura-uradang pinasara ang mga pinag-initang establisiyimento sa kanyang lugar.
Ayaw din makipag-usap ng alkalde, aba’y gustong gayahin ang estilo ni Duts sa mga water concessionaire.
Pintahan ninyo na. Ang praning na politiko na nagpasara ng mga negosyo ay tambak ang bodyguard at may letrang M sa kanyang apelyido, as in