Presidential appointee ‘ipit girl’

Takaw-pansin ang isang appointed official dahil sa kakaibang paraan nito para magmukhang malaki ang kanyang hinaharap.

Sa tuwing dumadalo sa pulong ng kanilang ahensiya itong si appointed official ay agaw-pansin at hindi maiwasang palihim na sinusulyapan ng mga kapwa opisyal at mga staff ang kanyang harap.

Paano naman kasi, kahit naka-corporate attire itong si ma’am ay ang baba naman ng neckline ng kanyang inner blouse at tila ba sadyang ipinapasilip ang kanyang dibdib na hindi naman kalakihan.

Pero para magmukhang malaki ang tapalodo ay sadyang iniipit ito ni madam sa magkabilang gilid sa pamamagitan ng kanyang mga braso lalo na kapag sila ay nakaupo sa conference room .

Kabisado na ng mga staff ni ma’am ang style nito kapag may dinadaluhang meeting kaya ito ang binabantayan ng mga sutil na miron.

Hindi kasi pinagpala si lady appointee kaya idinaan na lamang sa pang-iipit ng kanyang mga braso para magmukhang malaki ang dibdib nito.