Hindi malayong maabot o malagpasan pa ni Angel Locsin ang naipon niyang mahigit P12M sa kasagsagan ng lockdown para pondohan ang mga naitayo nitong mga tent ng mga frontliner at COVID-19 positive, sa bago at kasalukuyang pinapaikot nitong fundraising na “Shop & Share”.

Ang S&S ay online shopping na binuo ni Angel para sa nasalanta ng Ondoy ilang taon na ang nakakaraan na pinambili ng relief goods.

Sa panahon ng COVID-19, layunin ni Angel na makabili ng mga testing kit para sa mga mahihirap na hindi matugunan dahil sa kakulangan ng pondo ng gobyerno.

Umaabot agad saP.7M ang nalikom ng project ni Angel sa opening day pa lang ng selling. Nagkalat ang mga signature bags nina Regine Velasquez, Bea Alonzo, Anne Curtis, Vicki Belo at iba pa sa online shopping page na ito ni Angel.

Dalawa o tatlong Chanel bags ang dinonate ni Anne. Mga Louis Vuitton at iba pang mamahaling bag ang ibinigay ni Regine. May presyong P120K ang ilan sa mga bag, pero meron ding P5K lang.

Ang ilan sa mga artistang hindi kayang tapatan ang mga signature accessories at personal belongings ng mga big star, kanya-kanya na lang sila ng pagbebenta ng kanilang mga gamit, na ang kikitain ay idu-donate nila sa project ni Angel. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

13 − six =