Proyekto ni ex-cong nilangaw

Todo pasikat daw itong dating miyembro ng Lower House sa kanyang mga constituent o nasasakupan.

Pakulo kasi niya ang biyahe ng P2P bus mula sa kanyang distrito patungo financial district ng Metro Manila.

Kung anong bongga ng launching ng proyekto ni ex-cong, matamlay naman ang resulta ng proyekto.

Eh paano naman kasi, kahit na rush hour iilan lamang ang sumakay sa P2P bus as in nilangaw ang proyekto ng politiko.

Hindi na nga pumatok ang proyekto ng dating mambabatas, inabutan pa ito ng implementasyon ng enhanced community quarantine kaya ginarahe muna.

Kung gagamitin muli ang P2P bus project ni ex-cong kapag pinairal na ang general community quarantine, baka mabigyan ito ng permit ng LTFRB dahil makakasunod ito sa social distancing. Biruin nyo ba naman kasing wala pang sampu ang pasahero ng bus.

Pintahan nyo na. Ang dating congressman na nilangaw ang proyekto ay bigatin at may letrang T sa kanyang apelyido