PSL: Sta. Lucia astig kay Arocha

MAS magiging maangas ang pwersa ng Sta. Lucia Lady Realtors sa Philippine SuperLiga sa pagdating ni Arellano Lady Chiefs standout Regine Arocha.

Hindi man natapos ni Arocha ang huling karera nito sa NCAA Season 95, magpapakitang gilas naman ito kasama ang kanyang bagong koponan.

Matatandaan na na-terminate ang Season 95 dahil sa paglaganap ng coronavirus disease sa bansa.

Sa collegiate career ni 23-year-old Arocha, nakapag-bagahe ito ng dalawang Finals MVP at tatlong kampeonato kasama ang Arellano.

Samantala, makakasama naman ng beteranang open hitter sa Lady Realtors sina Mika Reyes, Amy Ahomiro, Pam Lastimosa, Djanel Cheng, Alex Bollier at iba pa. (JAT)