Pinalulutang ng House committee on justice sa impeachment hearing ang psychiatrist na nagbigay diumano ng ‘failing marks’ kay Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ipinahayag ito kahapon ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali kasabay ng muling pagbubukas ng impeachment hearing laban kay Sereno ng naturang komite na kaniyang pinamumunuan.

“The impeachment committee (likewise) intends to invite the psychiatrist who gave failing marks on the psychiatric or psychological makeup of the Chief Justice and who was allegedly fired or whose contract was not renewed upon the assumption (of office) of the Chief Justice,” ayon kay  Umali.

Batay sa ulat, dalawang psychiatrist na inupahan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang nagbigay kay Sereno ng rating na ‘4’ mula sa scale ng ‘one to five’ at ‘five’ ang pinakamababa.

Isinasaad pa sa ulat na mayroon ring senyales ang Punong Mahistrado ng pagkakaroon ng ‘depressive markers’.

Nabatid pa na bago ibunyag ang test results ay tumanggi na si Sereno na noo’y chairman ng JBC na i-renew ang kontrata ng dalawang psychiatrist at sinibak ang mga ito noong 2013.

Kasama ang isyung ito sa kasong betrayal of public trust sa impeachment complaint na isinampa ni Atty. Lorenzo Gadon laban kay Sereno. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

one + 20 =